Showing posts with label PS 14344. Show all posts
Showing posts with label PS 14344. Show all posts

Wednesday, November 19, 2014

P.S. 1-4-3-4-4 Posters

PS 14344 Official Poster
Photographer: Tina Francisco
Layout Artist: JP Walsh

PS 14344 Official Poster
Photographer: Tina Francisco
Layout Artist: JP Walsh

P.S. 1-4-3-4-4 Script

Playwrights
Jimboy Borgonia (Scene 1)
Sechem Nicholas (Scene 2)
Rineszhel Warde (Scene 3)
Cindy Valladolid (Scene 4)
Indira Tabo (Over-all Creative Director)

SCENE 1

Panahon: 1980
Lugar: U.S at Pilipinas
Tagpuan:
            Sa pagbukas ng entablado makikita ang dalawang magkaibang bansa, sa bandang kaliwa ipinapakita ang bansa ng U.S, sa kanan naman ay ang bansa ng Pilipinas. Mula sa kanan papasok si Caloy dala ang tatlong sobre na hindi pa nabubuksan, uupo siya at lalaksan ang sindi ng gasera. Samantala sa bandang kaliwa naman papasok si Cathy na nakabihis pantulog,uupo ito at magsisimulang magsulat.
                                                                            
Caloy:          (Bubuksan ang isang sobre)
Cathy:         (Magsusulat,V/O)
Dear Carding, Gusto kong malaman mo na masaya ako na nakilala kita, sa mahigit isang taon nating pagiging magka-penpal, lagi mo ako napapasaya, lagi mong sinasabi sa akin na, gusto mo ako, na mahal mo na ako kahit hindi mo pa ako nakikita.
Carding, hindi ko alam kong ano eksakto itong nararamdaman ko, pero I think I’m falling in love with you. Lagi kitang iniisip, paulit-ulit kong binabasa ang mga sulat mo, nalulungkot ako pag hindi ka sumusulat at sabik akong buksan ang bawat sulat mo. Sino ba ang mag-aakalang aabot tayo sa ganito Carding samantalang milya-milya ang layo natin sa isa’t-isa?  Sana hindi ka magbago at sana magkaroon ako ng pagkakataong umuwi dyan sa Pilipinas upang personal kitang makita at makausap. Hihintayin ko ang sulat mo.
Nagmamahal, Cathy.