Playwrights
Jimboy Borgonia (Scene 1)
Sechem Nicholas (Scene 2)
Rineszhel Warde (Scene 3)
Cindy Valladolid (Scene 4)
Indira Tabo (Over-all Creative Director)
SCENE 1
Panahon: 1980
Lugar: U.S at
Pilipinas
Tagpuan:
Sa
pagbukas ng entablado makikita ang dalawang magkaibang bansa, sa bandang kaliwa
ipinapakita ang bansa ng U.S, sa kanan naman ay ang bansa ng Pilipinas. Mula sa
kanan papasok si Caloy dala ang tatlong sobre na hindi pa nabubuksan, uupo siya
at lalaksan ang sindi ng gasera. Samantala sa bandang kaliwa naman papasok si
Cathy na nakabihis pantulog,uupo ito at magsisimulang magsulat.
Caloy: (Bubuksan ang isang sobre)
Cathy: (Magsusulat,V/O)
Dear Carding, Gusto kong malaman mo na masaya
ako na nakilala kita, sa mahigit isang taon nating pagiging magka-penpal, lagi
mo ako napapasaya, lagi mong sinasabi sa akin na, gusto mo ako, na mahal mo na
ako kahit hindi mo pa ako nakikita.
Carding, hindi ko alam kong ano eksakto itong
nararamdaman ko, pero I think I’m falling in love with you. Lagi kitang
iniisip, paulit-ulit kong binabasa ang mga sulat mo, nalulungkot ako pag hindi
ka sumusulat at sabik akong buksan ang bawat sulat mo. Sino ba ang mag-aakalang
aabot tayo sa ganito Carding samantalang milya-milya ang layo natin sa
isa’t-isa? Sana hindi ka magbago at sana
magkaroon ako ng pagkakataong umuwi dyan sa Pilipinas upang personal kitang makita
at makausap. Hihintayin ko ang sulat mo.
Nagmamahal, Cathy.
Caloy: (Mapapangiti na parang
kinikilig)
Cathy: (Kilig na kilig, tatayo at
kakantahin ang Mr. Dreamboy)
MR.
DREAMBOY LYRICS
By:
SHERYL CRUZ
Ang isip ko'y litong-lito
Di ko alam ang gagawin
Hirap ako sa paghuli ng 'yong pansin
Kapag nasasalubong ka
Dibdib ko'y kakaba-kaba
Pati ang tuhod ko'y nanlalambot na
rin.
Hayan na nga't sumulyap na
Ang mapupungay mong mga mata
Kasalanan ko ba ang mapatulala,
ha, ha, ha?
REFRAIN:
Mr. Dreamboy, Mr. Dreamboy
Ano kaya ang nasa isip mo?
Mr. Dreamboy, Mr. Dreamboy
Lagi kang nasa panaginip ko
Doo'y kinakausap ka
At sweet na sweet kang talaga
Medyo may holding hands pa nga
Parang ayoko nang magising pa.
Estela: (Sisigaw mula sa labas ng kwarto
ni Cathy)
Cathy! Stop singing, matulog ka na!
Cathy: (Titigil sa pagkanta) Yes, mom.
(Babalik sa lamesa at magsusulat ulit)
Caloy: (Bubuksan ang pangalawang
sulat)
Cathy: (Magsisimulang magsulat, V/O)
Dear Carding,
Pasensya na kong hindi ko nabanggit sa huling
sulat ko na natanggap ko na pala ang litratrong pinadala mo. Nakalimutan kasing
ibigay sa akin ni mommy, pasensya na talaga. Ang daya mo, ngayon ka lang
nagpadala ng litrato samantalang ako ang tagal na.
Ang gwapo mo pala talaga Carding, ang mga
katangiang sinabi mo sa akin saktong-sakto sa litratong ipinadala mo. Ang ganda
ng mga ngipin mo, pantay na pantay, ang puputi, nagbibigay ganda sa bawat ngiti
mo. Ang tangos ng ilong mo hindi halatang Pilipino. Ang pupungay ng mga mata mo
nagbibigay appeal sa mga titig mo at ang kinis at puti ng mukha mo. Dahil sa
litratong ito mas lalo tuloy kitang gustong makita. Ang saya-saya ko Carding,
kung nananaginip man ako ayaw ko ng magising sa panaginip na ito. Hihintayin ko
ang sulat mo, nagmamahal Cathy.
Caloy: (Titiklupin ang sulat at
mapapangiti)
Carding: (Mula sa labas sisigaw) Caloyloy!
Biyahe na tayo! Tanghali na! Ano ba?
Caloy: Sandali lang Carding! Lalabas
na ako! (Dali-daling bubuksan ang pangatlong sulat)
Cathy:
(Muli nanamang magsusulat, V/O)
Dear Carding,
Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakatanggap
ng sulat galing sayo, mag-iisang buwan na, nalulungkot at nag-aalala na ako.
Dati hindi ka naman ganyan, kapag sumusulat ako agad kang sumusulat pabalik.
Kung may problema ka pwede mo naman sabihin sa akin, maiintindihan ko naman
yun. Carding uuwi ako dyan sa Pilipinas sa isang buwan. Ito na yung pagkakataon
natin para magkita, wag na natin palampasin to. I’m so excited to see you pero
nalulungkot ako kasi hindi ka pa rin sumusulat sa akin. Sana sulatan mo agad
ako pag natanggap mo ito. Nagmamahal Cathy.
Caloy:
(Dali-daling kukuha ng ballpen
at magsisimulang magsulat, V/O)
Dear Cathy, Ipagpaumanhin mo ang hindi ko
pagsagot agad sa mga sulat mo, masyado lang kasi akong naging abala at medyo
mahina din ang kita sa biyahe, sana maintindihan mo.
Mahal kita Cathy, paulit-ulit kong sinasabi
sayo yan, hinding-hindi ako magbabago lalo na itong nararamdaman ko para sayo.
Mabuti naman nakuha mo na ang litratong pinadala ko, pinaghandaan ko ang
litratong yan Cathy para sayo. Masayang-masaya ako kasi uuwi ka na dito sa Pilipinas,
matutupad na ang pangarap nating magkita, hindi ko palalagpasin ang pakakataong
ito. Sa wakas makikita at makakasama ko na ang taong nagpapasaya sa buhay ko. Ikaw
yun Cathy. Magkita tayo sa Luneta sa mismong araw ng pagdating mo, alas siete
ng gabi, hihintayin kita dun.
Nagmamahal Carding. (Kakantahin ang Binibini)
BINIBINI
by
Janno Gibs
Binibini sa aking pagtulog
Ika'y panaginip ko
Panaganip ng kathang dakila
Nitong pag-iisip ko
Ang katulad mo raw ay birhen
Sa abang altar ng punong pag-ibig
O kay ganda
O kay gandang mag-alay sa 'yo
Alaala, at isip at pagod
Sa yo'y binigay ko raw
Binibini, ang aking dalangi't dasal
Dininig mo raw
Wika mo raw ay iingatan ka
Magpakailanman ang purong pag-ibig
O kay ganda
O kay ganda mag-alay sa 'yo
Hooh...
Cathy:
(Mababakas sa mukha ang
pananabik at labis na tuwa)
Carding:
(Papasok mula sa labas) Ano ba
Caloy, kanina pa ako naghihintay sayo sa labas.
Caloy:
Ito naman ang aga-aga ang init
ng ulo (Aakbayan si Carding)
Carding:
(Makikita ang mga sobre) Ano ba
kasi ang ginagawa mo?
Caloy:
Wala, wala, ano naman ang
gagawin ko. (Aakayin palabas si Carding)
Carding:
May pakanta kanta ka pang nalalaman
…..
Caloy:
Ang corny mo naman, para ngayon
lang. Halika na.
Cathy:
I’m so excited to see you
Carding! Uuwi na ako sa Pilipinas!!
(Exit Cathy, daan
sa lobby papunta sa BUGS garden)
SCENE 2
Sa
Luneta Park
Sitwasyon: Nag
hihintay ang dalawang magkaibigan na dumating si Cathy sa sa Park. Walang
kaalam alam si Carding na siya ang ipapakilala ni Caloy bilang siya sa ka pen
pal na si Cathy.
Tagpuan: Sa
park, may mga taong nag lilibang. May mga tindero ng mga lobo, sampaguita, at
pagkain at may mga takatak boys.
Carding: Caloyloy, sino ba ang hinihintay natin dito?
Caloy: Tol, yung ka pen pal ko nga. Kaya
nga bihis na bihis ako ngayon eh. Ayos ba tol?
Carding: Oo nga pala. Kala ko pasahero natin,
kasi bihis mo parang papasada ka lang (laughs).
Caloy: Sira! Ayos ba ha, Tol?
Carding: Oo, ikaw pa, kaibigan kita eh.
Caloy: (Hindi mapakali. Hindi alam kung
paano sisimulan ang pagpapaliwanag kay Carding)
Carding: Caloyloy, anong oras ba ang tagpuan nyo,
ba’t parang tagal naman ata?
Caloy: Alas syete. Alas syete ang sabi ko sa
sulat ko.
Carding: Eh mag a ala sais palang ah! Mahigit
isang oras pa tayo mag hihintay dito. Ang lupit mo Caloyloy, sobrang sabik mo
naman dyan sa ka paypal….. Ka paypal ba yon?
Caloy: Pen pal, tol.
Carding: Oo, abay sabik na sabik ka ata ah.
Maganda ba yan, maputi ba?
Caloy: Maganda tol. Tignan mo ……
(ilalabas
ang picture ni Cathy na nasa wallet ni Caloy)
Carding: Oo nga tol, Ang ganda.. Tiba tiba ka
Caloloy ko!
Caloy: Oo nga eh. Alam ko yun, sa gwapo kong to!
Carding: Bilib tlaga ako sayo. Mahal mo ba?
Caloy: (Hindi ulet mapakali) Yun lang. Tol,
kasi alam mo. Gusto ko talaga makaahon sa hirap. Di ko masabing hindi ko mahal,
pero hindi ko rin naman masabi na hindi. Mag iisang taon din kaming
nagsusulatan. Kaso Tol, wala pa akong oras sa mga mahal na mahal na yan eh.
Gusto ko muna maka siguro na may maganda akong hinaharap. Kaya kung baka
sakaling maging kami man niyan, eh at least maidadala niya akong Amerika. Yun
Tol, yun ang pangarap ko!
Carding: Sira, dapat mahalin mo muna Caloyloy. Bago yang ambisyon mo.
Caloy: Ayoko na tol sa ganitong buhay
nating to. Gusto ko naman makaahon. Kaya si Cathy lang ang solusyon ko.
Carding: Sige Caloyloy. Magkaibigan tayo, kaya
susuportahan kita, pero pag napurnada , bahala ka ha!
Caloy: Kala ko walang iwanan.
Carding: Abay, sa ganitong sitwasyon, sarilihin
mo muna.
(Magtatawanan
ang magkaibigan)
Caloy: Kaso tol, may isa pang problema.
Carding: Anong problema? Mukha mo? Abay wala na
tayong magagawa diyan (laughs).
Caloy: Tagos yun tol hah. Pero hindi yun, pero isa pa yun.
Carding: May itsura ka naman tol. Para sa akin.
Ewan ko lang sa iba (laughs).
Caloy: Tol, alam ko yun. Mas gwapo pa nga
ako sayo, pero hindi yun ang problema.
Carding: Eh, ano? Anong pang problema ha?
Caloy: Kasi natakot ako noon na ipakita ang
tunay na sarili ko kay Cathy, Eh wala akong naisip na ibang gawin kundi. ..
Carding: Kundi ano…
Caloy: Kundi ….
Carding: Huwag mong sabihing .… Huwag mong sabihing…
Caloy: Patawad tol. Kasi tol, natakot
talaga ako. Kasi baka hindi niya ako tanggapin sa itsura ko. Alam ko mas gwapo
talaga ako sayo, kaso tol iba talaga ang ka-gwapuhan mo. Ikaw yung tipong
hinaharana ng babae sa madaling araw. At sasama sayo habang buhay. Kaya tol,
ikaw ang pinakita kong bilang ako.
Carding: Ano? Ha? Anong ……? (natigilan sandali)
Caloy, ang hirap niyan. Ang ibig mong sabihin ako ang makikipagkita talaga sa
kanya ngayon, hindi ikaw?
Caloy: Oo tol …. tol, sige na tol. Para sa
akin tol. Kailangan ko lang to ngayon.
Carding: Tingnan ko nga uli ang picture.
Caloy: (iniabot kay Carding ang wallet) Eto oh.
Carding: (natigilan ng matagal) Caloy, sige payag
ako. Pero pangako mo na aaminin natin ito kay Cathy sa lalong madaling panahon.
Caloy: Oo tol …. Tsaka tol sana pag andiyan ako, wag naman
masyadong sweet ha? Syempre masasaktan din ako niyan.
Carding: Walang problemam, tol!
Caloy: Salamat Tol, tunay ka tlagang
kaibigan!
Cathy: (Pasok sa stage)
Caloy: Tol, siya na yon. (napasigaw) Cathy!
Cathy: (narinig ang pangalan niya) Huh?
(sabay
lingon sa likod) Carding?
Carding at Caloy: Cathy? (nagulat sa mga nakita
nila)
Caloy: (unang lalapit kay Cathy pero
pinigilan ni Carding)
CAN
WE JUST STOP AND TALK AWHILE
by
Kyla (feat. Gary V)
(Jessa) Fancy meeting you alone in the
crowd
Couldn't help but notice your smile
While everybody else around us is
going about
Can we just stop and talk awhile?
(Xtian) I've been often told our
world's growing old
And that friends are harder to find
Do tell me more about yourself
We could share a thought or two
Now who would mind?
(Jessa) Maybe then we could go for a
ride
Drive down to the countryside
Get away from the gray
And frenzied hurly-burly of the city
life
(Xtian) Early yet to say what lies
ahead
It's the first day of the rest of our
lives
Can we just stop and talk awhile
Get to know each other
Who are we to know?
Love could be waiting at the end
'Round that bend and so
Let's stop and talk awhile
Cathy: Carding… Hi, kumusta.
Carding: Marunong ka magtagalog?
Cathy: Oo, naman nagtatagalog nga ako sa
sulatan natin ah.
Carding: Akala ko’y nagpapaturo ka lang. Ang
galing mo pala.
Cathy: Dugong Pinyo ako, ano ka ba!
Caloy: Ehem…. ehem….
Carding: Ay oo nga pala. Si Caloy, kaibigan ko.
Mula pagkabata.
Cathy: Oh. Hi nice to meet you. Bakit hindi
mo siya nababanggit sa mga sulat mo.
Caloy: Ah, nabanggit ka niya, baka
nalimutan mo lang.
(kay
Carding) Pinabasa mo pa nga yun sa akin di ba tol?
Carding: Ahh. Ehh. Oo. Oo. Baka nakalimutan mo
lang.
Cathy: Ahh …. I see. Siguro nga nakalimutan
ko.
Carding: Um, Gusto mo bang umupo, binibini?
Cathy: Yes, sure…Thank you
(iniakay ni Carding si Cathy
papuntang upuan, at nagpaiwan si Caloy)
Caloy: (maiiwan sa kalye.) Tol, Alis muna
ako. Si Mang emong kasi nagsabi pala kaninang may sira ang jeep natin.
Cathy: Aalis ka na? Sayang
naman, gusto pa sana kitang makilala eh.
Caloy: Talaga? Eh
kasi (tiningnan si Carding) Kailangan eh.
Sa susunod na lang.
Tol, ikaw na bahal kay Cathy ha.
Carding: Ahh sige Tol. Balitaan mo
na lang ako.
Caloy: (Kakanta ng Gaya ng
Dati)
GAYA
NG DATI
By:
Gary V.
Dati-rati laman ng puso mo
Ay ang pangalan ko
Lagi ako sa isip mo
Dati-rati inaawitan pa
Labi ay may ngiti
Mga mata'y nagniningning
Ngunit ngayon, nagbago ka
Nasaan na ang init ng pagsinta
Pangako mo'y hindi magwawakas
Dati-rati mga pangako ko'y
Kandungan mo't lakas
Sa pagsubok ay kay tatag
Di ba't noon Sa kaibigan mo'y
akong bukambibig
Bakit ngayo'y anong lamig?
Di mo alam, ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay
Naghihintay woooooh
SCENE 3
(Sa taas ng Jeepney, habang si Carding
nag-iisip at naguguluhan kung paano sasabihin kay Cathy ang tunay na sitwasyon
dahil nahuhulog na ang damdamin niya rito, kung saan hindi pwedeng maqngyari
dahil ang kaibigan nitong si Caloy ang talagang ka pen pal ni Cathy at alam
niyang magagalit sa kanya ang kanyang kaibigan dahil ipinakiusap lamang ito
sakanya.)
PAANO NA KAYA LYRICS
Wooohhhh...
Paano nga ba napasukan ang gusot na ito
'Di naman akalaing magbabago ang pagtingin sa 'yo ohh wooh
Mula nang makilala ka, umikot ang mundo ko
'Di na kayang ilihim at itago ang nararamdamang ito wooh...
Paano na kaya, 'di sinasadya
'Di kayang mag tapat ang puso ko
Bakit sa dinami-rami ng SITWASYON KO’Y ITO PA
Paano na kaya 'di sinasadya
Ba't nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang BABAENG
'Di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya
Kung malaman ang damdamin at 'di mo tanggapin
'Di ko yata matitiis mawala ka
Kahit 'sang saglit man lang...wooohhhh....
Paano na kaya, 'di sinasadya
'Di kayang mag tapat ang puso ko
Bakit sadinami-rami ng SITWASYON KO’Y ITO PA
Paano na kaya 'di sinasadya
Ba't nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang BABAENG
'Di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya
Paano nga ba napasukan ang gusot na ito
'Di naman akalaing magbabago ang pagtingin sa 'yo ohh wooh
Mula nang makilala ka, umikot ang mundo ko
'Di na kayang ilihim at itago ang nararamdamang ito wooh...
Paano na kaya, 'di sinasadya
'Di kayang mag tapat ang puso ko
Bakit sa dinami-rami ng SITWASYON KO’Y ITO PA
Paano na kaya 'di sinasadya
Ba't nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang BABAENG
'Di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya
Kung malaman ang damdamin at 'di mo tanggapin
'Di ko yata matitiis mawala ka
Kahit 'sang saglit man lang...wooohhhh....
Paano na kaya, 'di sinasadya
'Di kayang mag tapat ang puso ko
Bakit sadinami-rami ng SITWASYON KO’Y ITO PA
Paano na kaya 'di sinasadya
Ba't nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang BABAENG
'Di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya
At
kung magkataong ito'y malaman mo
Sana naman tanggapin mo ohh woohh
Bakit sadinami-rami ng SITWASYON KO’Y ITO PA
Paano na kaya' di sinasadya
Ba't nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig saisang BABAENG
At baka hindi maintindihan
Paano na kaya
Sana naman tanggapin mo ohh woohh
Bakit sadinami-rami ng SITWASYON KO’Y ITO PA
Paano na kaya' di sinasadya
Ba't nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig saisang BABAENG
At baka hindi maintindihan
Paano na kaya
(Hindi namalayan ni Carding na naka
akyat na rin pala si Caloy sa taas ng Jeep at kanina pa siya nito
pinakikingan.)
Note: Alvin will deliver his line like
Bayani.
Caloy: Wow
tol! Ang ganda ng kanta mo… muntik na kong maiyak! (sarcastic)
Carding: Oh
Caloy nandiyan ka na pala, ay… (nag-iisip) sasali sana ako ng singing contest.
Caloy: Tang
ina brod! Pasok na pasok ka na niyan…Kailan ba yan?
Carding: Ay,
oo.. bukas na yun, manood ka na lang! Halika na bumaba na tayo, magpapasada pa
tayo. (aakbayan niya si Caloy at yayain na pababa)
Caloy: (Aalisin
ang kamay sa balikat at itutulak ng bahadya si Carding) Wag mo nga akong pinag
lololoko… Mahal mo na ba si Cathy?
Carding: Ano
ka ba naman?
Caloy: Mahal
mo na nga siya… Tol naman, utang na loob! Gusto ko pa makapunta ng ibang bansa,
alam mo namang yun ang pangarap ko! Kaya nga ako nakipag penpal, kasi ito na,
ito na ang sagot sa kahirapan ko!
Carding: (Napikon)
E loko ka rin no? Gagamitin mo si Cathy para matupad lang ang ambisyon mo?
Caloy: E ano sayo ngayon, ako ang ka Penpal
niya!
(Magsisimula na sanang mag away ang
dalawa, naka kwelyo na si Carding kay Caloy ng biglang may tumawag sa baba ng
Jeep.)
Cathy: Carding……
Carding? (Nakitang nasa taas ang dalawa) oh nadiyan pala kayong dalawa, nag aaway ba kayo? Bat
ganyan ang mga itsura niyo?
Caloy: A…
hindi, inaayos lang ni Carding polo ko, gusot daw kasi…
Carding: (Binitawan
ang kwelyo ni Caloy) Ay… oo… gusot kasi, parag utak niya …..
Caloy: (tatawa
tawa) Ang sweet naman kasi talaga nitong si Carding, (at iki-kiss sa nuo)
nadadala na nga pati sayo eh…
Cathy: Di
pa kayo bababa? Akala ko isasama niyo ako sa pasada niyo?
Caloy,
Carding: Oo,
bababa na. (Magtutulakan ang dalawa pababa ng Jeep.)
(Mag-uumpisang tumogtog ang “Awitin mo
at Isasayaw ko”, mag sasayawan at magkakantahan sa loob at taas ng Jeep, para
ipakitang pumapasada ang jeep. Sa sayawan at kantahan, makikita ang sweetness
ni Carding at ni Cathy habang si Caloy
nang gagalaiti na sa galit habang nakikita ang dalawa.)
(Pakatapos
ng pasada)
Carding: Mukhang
maganda ang pasada natin ngayon ah… Caloy ilan ba kayod ngayong araw?
Caloy: Oh! (Itinapon ang bag na walang
laman kay Carding)
Carding:
Bat wala tong laman?
Caloy: Hindi ako naningil sa mga pasahero!
Ang tanga mo rin pala… (tatawa)
Carding: Anak
ka nang! Ano ka ba naman Caloy! Isang araw nating pinag hirapan yon, tapos
hindi ka naningil ng pamasahe?
Caloy: Wow
ah! Ikaw yung hirap na hirap diyan? Eh mag hapon kayong nag aakapan diyan sa
unahan!
Carding: A…
tungkol nanaman to ki Cathy… bat mo ba kasi pinepersonal?
Caloy: Bakit
hindi ko pepersonalin, e pangarap ko nakasalalay dito!
Carding: Sige
lakasan mo pa ng magkabukuhan na tayo dito… (bulong ni Carding ki Caloy)
Cathy: Nag
aaway na naman kayo?
Caloy: Sige
na Carding, sabihin mo na ang totoo.
Cathy: Ano
sasabihin mo?
Carding: Wala…
inaantok na kasi yan si Caloy e..
Caloy: Inaantok?
Hindi ah gising na gising pa ako! Mag usap muna tayo! Nang magkalinawan na
tayo!
Carding: Tumahimik
ka na diyan Caloy…
Cathy: Wait,
what’s wrong?
Caloy: O
di ba magaling ka? Sabihin mo na ang totoo!
Cathy: Truth
about?
Caloy: Ang
totoo na hindi naman si Carding ang…
Carding: Tumahimik
ka na..
Caloy: Na
hindi si Carding ang ka Penpal mo… Cathy ako ang ka penpal mo, picture lang ni
Carding ang pinadala ko para mahalin mo rin ako, kasi kung picture ko ang
ipapadala ko, magkakagusto ka ba sakin? Uuwi ka ba rito kung picture ko ang
pinadala ko?
Carding: Nagka
bukingan naman lang tayo, sabihin mo na rin Caloy ang totoo.
Cathy: Ano
ba talagang nangyayari rito? Ang lahat ng ito lahat lang pag kukunwari?
Carding: Oo
Cathy, si Caloy ang ka Penpal mo, pero simula ng makasama kita, at pinanindigan
kong ako ang ka penpal mo, natutunan kitang mahalin… Mahal kita Cathy! Ikaw
Caloy, wag mong sabihing mahal mo siya, kasi
simula’t simula pa, ang gusto mo lang mangyari eh gagamitin mo si Cathy para
matupad ang ambisyon mo!
Caloy: Wala
kang karapatang sabihin yan Carding! Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman
ko…
Cathy: (kay
Caloy) Kung alam kong ganito ang kahihinatnan hindi na sana ako umuwi ng
Manila, sa loob ng isang taon, pinaniwala mo ako na mahal mo ako, bakit anong
akala mo sakin, puhunan para makarating ng ibang bansa?
(kay Carding) At ikaw, pinaniwala mo rin akong
ikaw si Caloy? Tapos ngayon sasabihin mong mahal mo ako? Nasan ang pagmamahal
dun kung simulat simula, puro panloloko na ang ipinakita mo sakin! Mga
manloloko kayo!
(kantahan)
Carding: Gusto kong magpaliwanag sa iyo
Ngunit di kinakausap
Di ko inaasahang
diringgin mo
Nakatingala sa ulap
Alam kong nasaktan na
naman kita
Ngunit ‘di ko naman
sinasadya
Hinding-hindi na mauulit
sinta
Sana’y maniwala ka
Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano’y gagawin
Para lamang sa’yo
Sabihin mo na
Papaano mo mapapatawad
Cathy: Mga araw na nagdaan,
Kailan ma'y hindi malilimutan
Kay tamis na raw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan
Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa'yo
Kaya't sa Maykapal
Tuwina'y dalangin ko
Sana'y...
Kapalaran ko ay magbago
Kailan ma'y hindi malilimutan
Kay tamis na raw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan
Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa'yo
Kaya't sa Maykapal
Tuwina'y dalangin ko
Sana'y...
Kapalaran ko ay magbago
Caloy: Pangarap
ka na lang ba
O magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka ng iba
Ngunit di bale na
Kahit mahal mo siya
Mahal naman kita
Kung totoong lahat ng iyan
Sana ako'y nangangarap na lang
Masayang man
Iyan ay pangarap lamang
Di naman ako ganong masasaktan
O magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka ng iba
Ngunit di bale na
Kahit mahal mo siya
Mahal naman kita
Kung totoong lahat ng iyan
Sana ako'y nangangarap na lang
Masayang man
Iyan ay pangarap lamang
Di naman ako ganong masasaktan
Cathy: Sayang na sayang lang
ang pag-ibig mo
Laan pa naman ang
puso ko sayo.
Cathy:
Pagkatapos ng panloloko niyo
sakin, babalik na ako sa US and I will never return here! I will forget you
Caloy and Carding!
Carding: Cathy, pakinggan mo naman ako, gusto
kita kaya pumayag ako kay Caloy, Mahal kita!
Caloy: Wag ka nang umalis Cathy, alam kong
hindi mabilis magpatawad pero sana naman mapatawad mo kami.
Cathy: Maraming salamat sa sakit na binigay
niyo sakin!
(Kakantahin ang “Tayong Dalawa” pero iba na ang
interpretasyon ng kanta, ito’y ayon na sa kanikanilang nararamdaman)
Carding:
Kapwa lumuluha, kapwa nasasaktan…..bakit tinitiis pa rin ang isat-isa
Caloy: Lagi na lang bang ganito ang buhay
natin
Cathy: Di
na matitiis paghihirap ng dibdib… Sanay nadarama mo rin ang pag hihirap ko
Caloy: At sanay pakinggan ang
pakiusap ko sayo… Hindi ko na hinahangad ang yaman sa mundo
Carding: Pagmamahal mo lang ang
tanging hinahanap ko…. Maaari bang sanay patawarin mo ako….Pagkat tayong dalawa
ay sa isat-isa
(Sa manunuod na ang harap, at sabay sabay na kakanta)
Cathy: Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa'yo
Kaya't sa Maykapal
Tuwina'y dalangin ko
Sana'y...
Kapalaranko ay magbago
Luha ang tanging nakamit buhat sa'yo
Kaya't sa Maykapal
Tuwina'y dalangin ko
Sana'y...
Kapalaranko ay magbago
Carding: Sabihin mo na
Kung
anong gusto mo
Kahit
ano’y gagawin para lamang sa’yo
Sabihin
mo na
Paano
mapapatawad
Caloy: Pangarap
ka na lang ba
O magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka ng iba
Ngunit di bale na
Kahit mahal mo sya
Mahal naman kita
O magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka ng iba
Ngunit di bale na
Kahit mahal mo sya
Mahal naman kita
SCENE 4
Maglalakad si Carding. Hahanapin nito
si Caloy sa crowd. Isang babaeng nakatalikod sa kanya ang lilingon at
matatapunan siya nito ng dalang juice. Yuyuko si Carding at titingnan ang
nabasang damit.
Cathy: (Lalapitan
si Carding at hahawakan ang damit nito.)
Sorry.
Carding: (Titingin ito sa babae at saka mapapansin na
ito si Cathy.) Cathy?
Cathy: (Tatanggalin ang kamay at titingin kay
Carding) Richard. . . (Mapapangiti)
Carding: (Nakangiti) Kumusta na? Ngayon na lang
ulit kita nakita.
Cathy: (Hindi masyado maririning ni Cathy si
Carding dahil sa tugtog at boses ng mga tao.) Ano?
Carding: (Lalakasan ang boses.) Medyo maingay at
masikip dito. (Carding will look around.)
Dun tayo. (Maglalakad ang dalawa sa hindi
masyado maraming tao. Pipigain ni Carding ang nabasang damit.)
Cathy: Sorry
talaga Richard. I didn’t see you.
Carding: Ano
ka ba!? Wala ‘to. Sino palang kasama mo dito?
Cathy: I’m with my friends. They spent their holidays
here in the Philippines. Ikaw?
Carding: Ah,
hinihintay ko si Caloy.
Cathy: Kumusta
na s’ya? Matagal ko na din s’yang hindi nakita.
Carding: Okay
naman s’ya. May girlfriend ‘yun ngayon.
Cathy: I’m
happy for him.
Carding: Sana
napatawad mo na kami ni Caloy.
Cathy: Matagal
ko na kayong napatawad. It’s just that we haven’t seen each other for a long
time so I didn’t get the chance to tell you. (Habang nagsasalita si Cathy ay makikita ni Carding na naglalakad si
Caloy na may kasamang babae papalapit sa kanila.) Si Caloy na ba ‘yan?
Carding: Oo.
(Kakawayan si Caloy) Caloy!
Cathy: And
is that her?
Carding: Ang
girlfriend ni Caloy.
Caloy: (Aakbayan ni Caloy si Carding at tuwang-tuwa
na makita ito.)
Carding: Hi
Sarah. (Tatapikin si Caloy sa tsan habang
nakangiting nakatingin kay Cathy.)
Caloy: Cathy?
Cathy: How
are you, Caloy?
Caloy: (Masayang makita si Cathy) Maayos naman
ako. Sobrang OK.
Cathy: I’ve
been fine. It’s so nice to see you again.
Caloy: Oo
nga pala, si Sarah, girlfriend ko. Sarah, this is Cathy.
Cathy: (Nakangiti) Hi. Nice to meet you.
Sarah: (Nakangiti) Hello!
Caloy: Maghahanap
muna kami ni Carding ng CR. Maiwan na muna naming kayo d’yan. (Ituturo ni Carding ang sarili.) Hali ka na! (Maglalakad sina Cathy at Sarah papunta sa
crowd.) Ikaw Carding hindi ka man lamang nagsasabi. Eh, nagkikita pala kayo
n’yan ni Cathy.
Carding: Ano
ka ba? Ngayon ko na nga lang ‘yan nakita. Tsaka malay ko ba na pupunta rin s’ya
dito.
Caloy: (Mapapapalakpak) Tadhana!
Carding: Ano
ba’ng pinagsasasabi mo d’yan?
Caloy: Eh
di ba nga matagal na kayong hindi nagkita?
Carding: Matapos
natin s’yang lokohin.
Caloy: Matagal
na panahon na rin ‘yun!
Carding: Kaya
nga! Sa tagal ng panahon sa tingin mo ba may gusto pa yang si Cathy sakin?
Caloy: ‘Yan
ang problema sa’yo Carding! Magaling ka naman dumiskarte sa halos lahat ng
bagay pero pagdating sa babae, wala! Kehina-hina!
Carding: Gusto
mo bang untugin ko ‘yang ulo mo para maalala mo na ikaw bakit nakauwi ako sa
ganito?
Caloy: Eh
kung di dahil sakin hindi mo rin naman s’ya makikilala. Wala sanang Cathy na
nagmahal sa’yo at mi-na-ma-hal mo.
Carding: Tigilan
mo nga ako!
Caloy: H’wag
mong pahirapan ang sarili mo. Mahal mo pa ‘yung tao. Nand’yan…Ano pa bang
hinihintay mo? H’wag mong sayangin ang pagkakataon. Ilang taon na naman ba ang
hihintayin mo bago kayo magkita ulit?
Carding: Hindi
mo man lang ba naisip na baka may mahal ng iba ‘yung tao?
Caloy: Natanong
mo na ba?
Carding: Hindi.
Bakit ko naman itatanong?
Caloy: Mahal
mo. Eh, sino bang makakapagsabi kung mahal ka pa ni Cathy? Siya mismo di ba? (Aakbayan si Carding at maglalakad)
Kaya, puntahan na natin si Cathy at h’wag na nating palampasin ang gabing ito. (Tatakbo papunta kina Cathy)
Carding: Uy
Caloy!
Caloy: (Pasigaw) Cathy!
Sarah: Caloy!
Caloy: Cathy,
may sasabihin ako sayo. Kelangan nyong mag-usap ni Carding.
Cathy: You
mean Richard?
Caloy: Yes,
may sasabihin sya sayo.
Carding: Ako?
(Ituturo ang sarili)
Caloy: Sige,
‘dun muna kami. (Maglalakad sina Caloy at
Sarah papunta sa crowd. Ituturo ni Caloy si Carding.) Uy, Carding!
Cathy: So,
what is it that I need to hear?
Carding: Ah?
. . . . . . Ah, oo. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ka sa itatanong ko. Baka
kasi isipin mong masyadong makapal ang mukha ko para itanong pa sayo ang bagay
na ‘yun.
Cathy: Makikinig
ako Carding.
Carding: Pasensya
ka na ha? Alam mo namang hindi ako masyadong magaling mag-Ingles eh kaya
Tagalog ako makipagusap sa’yo.
Cathy: (Nakangiti) Walang problema.
Carding: Di
ba sabi mo kanina matagal mo na kaming napatawad?
Cathy: That’s
true.
Carding: Kumusta
ka naman matapos ang mga nangyari?
Cathy: You
mean after I stopped seeing you and Caloy?
Carding: Yes.
Cathy: (Nakatingin sa dinadaanan) I was so
happy.
Carding: Masaya
ka nung hindi na tayo nagkita?
Cathy: I
was so happy being with you until I found out that I fell in love with the
Carding I had in mind. The one who played his part. Everything was true
Carding. Everything except… I just thought you were the same person I was
writing to.
Carding: Patawarin
mo ako Cathy. Hindi ko nagawang sabihin sayo. Natakot kasi akong hindi mo na
ako magawang mahalin kapag nalaman mo ang katotohanan.
Cathy: Kaya
sinubukang kong kalimutan ang lahat. Everyone was telling me to wake up from my
beautiful dream. (Titingin kay Carding at
ngigiti) Lahat ng ‘yun nagawa kong kalimutan Carding.
Carding: Kinalimutan
mo na ang lahat?
Cathy: Kinalimutan
ko ang lahat ng sakit at tinira kita sa isip ko. Akala ko nga makakalimutan rin
kita dahil hindi na tayo nagkikita nun. Pero nagkamali ako. Mas lalo kitang
naaalala sa paglipas ng mga araw.
Carding: (Titingnan si Cathy) Hindi ka nawala sa
isipan ko Cathy. Hindi ko alam kung pano kita makakalimutan. Patawarin mo ako
sa ginawa ko sa’yo.
Cathy: (Hahawakan ng dalawang kamay ang mukha ni
Carding) I love you…. Mahal kita Carding.
Carding: (Yayakapin si Cathy) I miss you.
Cathy: (Nakayakap kay Carding) I miss you too.
Justin: Cathy!
Cathy!
Cathy: (Lilingon at titingnan si Justin)
Justin!
Justin: We’ve
been looking for you.
Cathy: (Maglalakad ang tatlo papunta sa crowd)
Oh, I’m sorry. I saw my friend and we had to talk.
Justin: It’s
a few minutes before New Year.
Magkikita-kita ang lahat ng tauhan sa crowd
at sasabay sa countdown. Fireworks.
-Wakas-
No comments:
Post a Comment